Sa pagdiriwang ng kaniyang ika-29 kaarawan sa darating na Enero 6, hinikayat ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kaniyang mga kaibigan at tagasuporta na ipagdiwang ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng donasyon para sa Smile Train Philippines.

“Hey friends! My birthday is coming up and once again, I want to encourage my friends and supporters to share their blessing not just in the form of gifts but in a form of donation specifically in giving Filipino children the opportunity to smile,” anang beauty queen sa isang Instagram reel nitong Martes, Enero 3.

View this post on Instagram

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Once again this year, I’ll be fundraising to support Smile Train Philippines which offers free and comprehensive cleft care treatment because every child deserves to live a happy healthy life,” ani Catriona Gray.

Mula nang koronahan bilang ikaapat na Pinay Miss Universe, naging tradisyon na ni Catriona na ipagdiwang ang espesyal na kaarawan para sa kaniyang mga adbokasiya.

Taong 2021, nakalikom ng halagang P128,000 si Catriona para sa Make-A-Wish Foundation. Bago nito noong 2020, umabot sa P388,200 ang kabuuang donasyon na natanggap naman ng Smile Train Philippines para sa parehong birthday fundraising ng beauty queen.

“Let’s change the world one smile at a time,” aniya.

Maaaring magpadala ng donasyon sa pamamagitan ng online link na ito: Catriona’s Gift: Smiles for Filipino Children with Cleft | GoGetFunding.