Handa na umanong magka-baby si Unkabogable Star Vice Ganda, sagot niya sa tanong sa kaniya ng mga taga-entertainment press, subalit hindi pa raw niya maharap dahil kasalukuyan siyang abala sa kaniyang mga ginagawa.

“Mahirap magka-baby pero hindi ko siya maharap. Gustong-gusto ko na," sey ni Vice Ganda sa tanong na gusto na ba niyang magka-anak sila ng partner na si Ion Perez.

“Actually ang laking part sa buhay ko na ayokong i-subject yung anak ko sa cruel world like scrutiny sa pamilya, sa jowa. Pero now kaya ko ng protektahan ang anak ko. Gusto ko na pero hindi ko talaga siya maharap dahil ang dami-dami kong ginagawa," giit pa ng komedyante-TV host.

Ni hindi nga raw masunod ni Meme ang kaniyang schedule dahil sa dami ng kaniyang pinagkakaabalahan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bukod kasi sa pagiging host ng "It's Showtime", nagho-host din siya ng "Everybody, Sing!" Huwag ding kalimutang may sarili na siyang negosyo at may YouTube channel na rin.

At ang latest nga, ang muli niyang pagbabalik-sinehan at Metro Manila Film Festival matapos niyang bumida sa "Partners in Crime" kasama si Ivana Alawi.