Kinaaliwan ng mga netizen ang ibinahaging Instagram post ni Judy Ann Santos matapos niyang ipamalas ang galing sa pag-asinta ng baril.

"Wait lang bub… tirahin ko lang to sandali bago ko magluto. 👊🏼 #bakawanhits" saad ni Juday sa kaniyang latest Instagram post.

Ipinakita ng mahusay na aktres ang kaniyang husay sa paggamit ng armas.

Napakomento naman dito ang mister na si Ryan Agoncillo.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"Oo na! Eto na pauwi na po😂," saad ni Ryan sa comment section. Ngunit makikita naman sa video na magkasama sila nang ginagawa ito ng misis.

Marami naman ang pumuri kay Juday dahil sa kaniyang ipinamalas na skill sa paggamit ng baril.