Ibinahagi ng aktres na si Kris Bernal ang highlights ng kaniyang 2022, sa kaniyang latest Instagram post nitong Disyembre 30.

Bukod sa pagiging kontrabida ng seryeng "Artikulo 247" sa GMA Network kahit wala na siyang kontrata dito, iba pang proyekto, at personal na mga ganap sa buhay, maituturing ding highlights ni Kris ang pagiging isang "Kakampink" at pagiging isang volunteer host sa isa sa mga naganap na campaign rallies ng Leni-Kiko tandem noong kampanya.

Makahulugan umano ito para kay Kris dahil first-time voter pala siya.

"As volunteer/host in the campaign rally of #LeniRobredo in Zamboanga Del Norte. What an incredible privilege and experience. #KulayRosasAngBukas," ani Kris na inilista ito sa panlimang highlight ng buhay niya.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

"First time voter! #Kakampink," dagdag pa niya.

Sa kabuuan ay nakapagtala ng 22 highlights si Kris sa kaniyang 2022.