Kakaibang "cool experience" ang naranasan ng tinaguriang "Chinita Princess" na si Kapamilya TV host-actress Kim Chiu matapos niyang subukin ang cross country skiing kasama ang boyfriend na si Kapuso actor Xian Lim.

Ibinahagi ni Kimmy sa kaniyang Instagram post nitong Disyembre 30 na medyo "nadisgrasya" siya habang nagpapadulas sa mga yelo sa ibang bansa. Nasugatan nang bahagya ang kaniyang chin o baba pero ayos lang naman daw siya.

"Learned something new before the year ends!🎿⛷️🏔️❄️," ani Kim.

"First time to learn cross country skiing, medyo mahirap siya balance and all but super fun. Masakit lang pag nahuhulog, may sugat pero ganun talaga pag nadadapa tayo kailangan natin tumayo kaagad, life goes on and time won’t wait for you," hugot na lamang ni Kimmy sa nangyari sa kaniya.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Yung mga sugat yan yung mga magpapatapang sa atin along the way. Sa buhay pag nadadapa tayo kailangan lang natin tumayo agad and wag mawawalan ng pag-asa, wala namang madali sa buhay, lahat pinaghihirapan pag nagawa mo na, dun mo maappreciate yung pinaghirapan mo and masasabi mo 'Ang saya pala, buti di ako sumuko'.

"Ang dami kong ebas!!! Nag-ski lang naman ako!!! Hihihi," dagdag pa ni Kim.

Matatandaang natuto na rin si Xian ng ice skating para sa preparasyon sa nalalapit na teleserye nila ni Ashley Ortega na "Hearts on Ice".