Muli na namang kinaaliwan ng mga netizen ang Facebook post ng impersonator, komedyante, at TV host na si Jervi Li o "KaladKaren Davila" matapos niyang ibahagi ang kaniyang pak na pak na outfitan, kahit magpapasyal lamang siya ng pet dog sa isang parke sa London, United Kingdom kung saan nakatira ang kaniyang British boyfriend na si Luke Wrightson.

"Sabi ni jowa… Bakit ganyan ang suot mo, eh ipapasyal lang naman natin yung aso? Hindi tayo pupunta sa fashion show. 😝😝😝," ani KaladKaren sa kaniyang Facebook post.

"Sabi ko… Babe… Life is a fashion show. And the world is my runway! Pak! Ganern!"

Sey ni KaladKaren: 'Magtrabaho ka pero ‘wag mo rin kalimutan magpadilig!'

Ibinahagi rin ni KaladKaren sa isa pang Facebook post na bukod sa "dilig" ay nakatanggap din siya ng regalo mula sa kaniyang afam na boyfie.

"What a lovely British Christmas! ❤️🇬🇧🎄 May dilig na… may regalo pa!" ani KaladKaren.

Biro tuloy ng mga netizen, nakaka-ilang diligan na ba sila ni Luke habang naro'n siya?

"Ma'am KaladKaren, nakakarami na po ba? Hahaha."

"Kahit dilig lang wag na regalo charooot."

"Huwag lang din magpadilig, magpabungkal din ng tigang na lupa upang mamukadkad ang bulaklak. Kaloka!!! Happy holidays!"

"Aba Ginoong KaladKaren napupuno ka ng grasya, ang Afam ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang hardin mong laging nadidiligan."

"Naka-ilang rounds na po ba ng dilig at bungkal haha charot. Enjoy madam!"

Sa isa pang Facebook post noong araw ng Pasko, sinabi ni KaladKaren na sampung Pasko na silang nagdiriwang ni Luke.

"10 Christmases together but still feels like the first one! 😍😍😍 From England with love- Maligayang Pasko sa ating lahat may dilig man o wala!😝😝😝 🇬🇧🎄❤️," aniya.