Naglabas ang Manila Traffic and Parking Bureau ng traffic advisory na nagpapabatid kaugnay ng pagsasara ng northbound at southbound na bahagi ng Jones Bridge mula 11:30 p.m. ngayong Sabado, Disyembre 31 hanggang 12:30 ng umaga sa Linggo, Enero 1, upang bigyang-daan ang inihandang fireworks sa Bisperas ng Bagong Taon.

Pinapayuhan ng pamahalaang lungsod ang lahat na dumaan sa mga alternatibong ruta patungo sa kanilang destinasyon.

Ang fireworks display ay bahagi ng taunang tradisyon ng Pasko at Bagong Taon ng pamahalaang Lungsod ng Maynila.

Inaanyayahan ang publiko na makita ang aktwal na mga paputok sa paligid ng Jones Bridge o manood sa pamamagitan ng online live stream sa Facebook page ng lungsod.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Pinaalalahanan din nito ang publiko na nananatiling ipinagbabawal sa lungsod ang paggamit ng paputok ng mga pribadong kabahayan.

Diann Ivy Calucin