Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang social media post ni Kapuso star-fashion socialite Heart Evangelista hinggil sa pag-uwi niya sa PIlipinas sa Bagong Taon upang makasama ang kaniyang mister na si Senador Chiz Escudero.

"Ps. See you soon @escuderochiz 🤍🧀" aniya sa dulo ng kaniyang Instagram caption.

Marami naman ang natuwa dahil tila subtle way ito ni Heart para tuldukan ang mga espekulasyong hiwalay na sila ng mister. Ibig sabihin daw ay in good terms pa rin ang dalawa.

Subalit isang basher na may pangalang "Angelina" ang nakapukaw sa atensiyon ng lahat matapos nitong talakan si Heart.

'Team Keso at Team Puso pa rin!' Netizens, natuwa dahil 'in good terms' pa rin sina Heart at Chiz

Aniya, "Mapupuri lang kita Heart (kung) ibabahagi mo ang yaman mo sa mahihirap na tao na halos walang makain, ikaw puro kaartihan na lang sa buhay mo, ni hindi mo magawang maging isang ina sarili mo lang ang iniisip mo, hindi habang panahon bata (ka) baka magsisi (ka) sa huli, ikaw din it's your choice madam."

Screengrab mula sa IG ni Heart Evangelista (via FB page na Showbiz Pilipinas)

Na-iscreenshot naman ito ng ilang mga tagahanga at tagasuporta ni Heart at sila na mismo ang nagtanggol dito mula sa basher na nagbigay ng "unsolicited advice".

"Ibili mo ng diaper yan ma Heart Evangelista paladesisyon na masyado."

"Kasalanan ba ni Heart kung hampaslupa ka pa ateng Angelina? Maraming nang natulungan 'yan juzcolored, kailangan ipaalam sa'yo?"

"Angelina di n'ya hiningi opinion mo dae, beside baka may charity 'yan at di rin niya obligation na ipaalam sa'yo. Inggitera ka gurl?"

"Daming Pinoy na ganito entitled kayo sa pera ng iba? Hiya-hiya rin."

"Bakit parang kasalanan ni Heart na naghihirap yung ibang tao?"

"Mga ganitong tao naging choice mag-anak nang walang pera tapos aasa sa mga meron tapos kung ano-ano pa sasabihin. Bago sana bumuka nag-isip muna kung may ipapalamon hindi yung manggi-guilt trip."

Samantala, habang isinusulat ang balitang ito, mismong si Heart ay wala pang reaksiyon patungkol dito.