Ganap nang isang ama ang online personality na siMarlou Arizala o “Xander Ford” matapos manganak ang kaniyang partner na si Gema Mago nitong Huwebes, Disyembre 29.

Ibinahagi ito ni Xander sa kaniyang Facebook page kalakip ang unang family picture nila.

"ANAK HAPPY GIVE BIRTH SAYO MAHAL NA MAHAL KITA KAHIT ANO PANG SABIHIN NILA IPAG MAMALAKI KITA AT MAGIGING MAGANDA ANG BUHAY MO HINDING HINDI KITA PABABAYAAN KAYO DALAWA NG MOMMY MO Gena Mago," aniya.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Nag-upload din siya ng mini vlog kung saan mapapanood ang preparasyon nila sa panganganak ng partner niya hanggang sa manganak ito.

Labis ang tuwa ni Xander nang makita niya ang kaniyang anak na si Xeres Isaiah.

Samantala, happy din ang first-time mom sa blessing na natanggap niya.

"LORD THANK YOU SA DALAWANG BIYAYA NA BINIGAY MO," saad ni Gena sa kaniyang Facebook post.

Congratulations, Xander and Gena!