Stressedt ngayon si Drag Den PH contestant Vinzon Leojay Booc, a.k.a. Lady Gagita sa isang airline company matapos mawala ang bagelya nito laman ang mga sana'y gagamitin niya para sa isang show ngayong gabi.

"Cebu Pacific Air has lost my bag and all of my drag stuff are there. I'm using it for tonight's show. Please naman, pakihanap naman ng bagahe ko," anang drug queen sa kanyang social media accounts.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/ladygagitaofcl/status/1608655733205381121?s=20&t=EbsC5QC24WWakXTsEvxOsA

Lumipad si Lady Gagita mula Manila papuntang Davao para sa isang show na dadaluhan niya.

Matapos ang tatlong oras, sinabi ni Lady Gagita na binigyan siya ng contact number ng kompanya ngunit hindi naman siya sinasagot at diumano'y binababa pa ang kanyang tawag.

"Apparently, @CebuPacificAir left me a contact number to call for followup. But they don't answer any of my calls. Binababa pa. Anu na. I NEED MY BAG. Pag di ko naibigay yan today, bayaran n'yo talent fee ko. Maaabala ang gig ko," ani Lady Gagita.

https://twitter.com/ladygagitaofcl/status/1608695640909033472?s=20&t=EbsC5QC24WWakXTsEvxOsA

Humingi naman ng dispensa ang airline company at sinabi na ang kanilang luggage unit ay kumikilos na at makikipag-ugnayan sa drag queen.

Larawan: Screengrab mula sa Twitter

Umaasa naman si Lady Gagita na maibabalik ang kaniyang bagahe bago umabot ng ala-sais ngayong araw, Disyembre 30.

UPDATE: Sa isang tweet ng 6:06 ng gabi, lubos ang pasasalamat ni Lady Gagita sa mga tumulong at sa nasabing airline company matapos matagpuan ang kaniyang bagahe.

Aniya, "Shet akala ko magpeperform akong out of drag tonight. But damn, my bag is here! Maraming salamat sa mga tumulong ma-reach out ang mga taga @CebuPacificAir and also mga taga Ceb Pac mismo for doing their best on finding my bag! I appreciate it! Tuloy ang kabaklaan mamaya!!"

https://twitter.com/ladygagitaofcl/status/1608766398393909248?s=20&t=wnGmtSBGLBztnv0SJ3vbFg