Bumuhos ang espekulasyon kung may relasyon ba sina Carlo Aquino at Charlie Dizon dahil sa tila closeness ng dalawa sa mga picture na ipinost ng huli.

Sa Instagram post ni Dizon, makikitang nag-upload siya ng ilang group picture kasama ang aktor ngunit agaw-pansin ang "closeness" nila sa mga picture.

"Holiday dinner. What a fun night. So nice to see my sisters from another mother," saad nito sa caption.

Carlo Aquino, kinumpirmang hiwalay na sila ni Trina Candaza

Nawindang ang mga netizen sa comment section dahil sa closeness ng dalawang personalidad. Ang ibang netizens ay hindi natutuwa at pinalalayo ang aktres kay Aquino.

Matatandaang noong Abril ay kinumpirma mismo ni Aquino na hiwalay na sila ni Trina Candaza. Ngunit hindi na nito idinetalye ang paghihiwalay nila ng dating nobya.

"Charlie,,tropahin mo lang si Carlo please,wag mo jojowain yan"

"Naku aanakan ka lang ni Carlo tssss"

"soft launching na ba ito? chos!"

"Sana si Carlo na lang ang lumayo if ever the rumors are true! Maawa ka naman jan sa bata, she has a bright future ahead of her. Don't mess with her, please lang."

"Wag ka dyan please"

"Please sana iba nalang Charlie..wag na si CA..I hope pag-isipan mong mabuti mga desisyon mo pagdating sa lovelife.."

"Wait. What? Carlo and Charlie? Hmmmm... bagay naman... pero sana iba na lang@charliedizon"

"Grabe yon!! Nabigla ako slight! 😂😂 Medyo bagay pero di yan launching ng film. Nakahawak sa legs like “mine” 😂😂"

"Girl, you could have done better 🤧🤧🤧"

"yan na kaya pala laging naka like si Jose Liwanag, kailangan ng fans ng paliwanag na maliwanag pa sa sikat ng araw haha omg carlo and charlie na ba?"

"Ang shunga mo gurl pumatol ka pa jan sa playboy tsk!"

"A lot of people doesn’t like Carlo for you. Mag isip ka girl!!! Don’t make most of us say We Told You So!!! Good luck!!!"

"11 years age gap. May anak na sa iba. At kung ilang babae na naging jowa niya. Summa cum laude na yan sa pambobola at pagpapaikot ng mga babae. Charlie takbo bilis takbo. Un mga kumukunsinti sayo diyan eh di mo talagang totoong kaibigan. You started well and have a long career ahead of you. Wag ka magpauto diyan. 😳😳😳"

Samantala, napag-alaman na may pelikula sina Dizon at Aquino na may title na "Love on a Budget" na gawa ng Black Sheep. Ito raw ang unang pagkakataon na magsasama ang dalawa sa isang pelikula.