Tila nanggigil na naman ang sikat na online personality na si "Senyora" dahil sa pa-boobey ni Ivana Alawi sa isang video. 

Ipinost ni Senyora ang video sa kaniyang Facebook page na kung saan mapapanood na ipinopromote ni Ivana ang pelikula nila ni Vice Ganda para sa MMFF 2022 na "Partners-In-Crime."

"EPAAAAAAAALLLLL!!!! Diba ang usapan natin Meme Vice ikukulong sa cr tong si Ivana!!?? Bakit nakalabas na naman yan!!" saad ni Senyora sa caption.

Nang makita kasi ng aktres na nanonood si Senyora, agad niyang ipinakita ang boobey niya na tila iniinggit ito.

'Patambukan' nina Vice Ganda at Ivana Alawi, usap-usapan; 'Senyora', nakipagsabayan

Sey naman ni Senyora, "sa face lang i-focus! Buset"

Samantala, nakipagsabayan kamakailan si Senyora sa "pa-puwet" nina Ivana at Vice Ganda.