Maugong ngayon ang tsikang baka nagkakalabuan na ang magjowa na sina Kapuso actress Rhian Ramos at boyfriend nitong negosyanteng si Sam Verzosa dahil naispatan ng mga "matanglawin" na netizen, ang pag-unfollow umano nila sa isa't isa sa kani-kanilang Instagram accounts.

Screengrab mula sa IG ni Rhian Ramos via PEP

Screengrab mula sa IG ni Sam Verzosa via PEP

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Pero in fairness, kung titingnan naman ang kanilang mga post, naroon pa rin ang mga litrato ng isa't isa. Sa ibang celebrity couples kasi na nagsaulian na ng kandila, burado na lahat ng litrato at videos nila together.

Noong Hulyo 30 lamang ay inamin ni Rhian na sila na ng entrepreneur na involved sa isang beauty brand at marketing enterprise.

Magkasama pa nga ang dalawa sa ginanap na GMA Thanksgiving Gala Night, na unang appearance nila bilang isang couple.

Abangers na lang ang mga tagahanga ng aktres kung may rebelasyon man ito sa mga susunod na araw.