Isa si Manay Lolit Solis sa mga hindi naniwalang naghiwalay sina Heart Evangelista at Senador Chiz Escudero dahil aniya mahal daw ng dalawa ang isa't isa.
"Naniwala ka sa akin Salve na hindi hiwalay sila Heart Evangelista at Chiz Escudero. Kasi nga talaga naman they love each other, at lahat naman ng couple meron ganyan mga oras sa kanilang pagsasama na nagkakaruon sila ng konting lover's quarrel," saad ni Manay sa kaniyang Instagram post nitong Huwebes, Disyembre 29.
"Mukha naman maganda ang chemistry ng dalawa, mukha din alam nila ang weakness at strength ng isa't isa. At mukhang dedicated naman sila na maging maayos ang kanilang pagsasama. So sana naman huwag ng idagdag ang pressure ng mga outsiders sa anuman desisyon nila Heart at Chiz," sey pa ni Lolit.
"Let them love each other in their own way. Hayaan natin sila para maging mas matibay ang kanilang pagsasama. Mukhang very loyal na tao si Heart who will stay sa tabi ng mahal niya kahit ano pa ang mangyari. At mukha naman ilalaban siya ni Chiz sa anuman mangyari. Be in love and be together, all the time. Chiz and Heart, forever."
Matatandaang matapos ang ilang buwang espekulasyon, tinuldukan na ni Heart ang isyu tungkol sa hiwalayan umano nila ni Chiz.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Heart na uuwi siya sa Pilipinas para sa Bagong Taon.
“Living between 2 worlds, Paris and Manila. 2 clocks in [email protected] around Paris before heading home for New Year,” sey ng aktres sa caption.
Sa dulong bahagi ng post, nag-see you soon si Heart sa kaniyang asawa na may white heart at cheese emoji.
“Ps. See you soon @escuderochiz “