Natatangi ang gandang Pilipina na talaga namang kinikilala hindi lang sa sarili nating bansa ngunit maging sa buong mundo. Kilalanin ang mga 'Pinay na tagumpay na nagpamalas ng kani-kanilang ganda ngayong taon.

Sa pagsasapubliko ng TC Candler, England-based critic, ng kanilang ‘100 Most Beautiful Faces of 2022’ sa kanilang ika-34 edisyon, apat na Pilipina ang tagumpay na nakakuha ng puwesto.

Una na dito ang Filipina-Moroccan actress, model, at YouTuber na si Ivana Alawi na umarwa sa ikaanim na puwesto.

Ito ang ikalawang taon ng aktres na mapabilang sa listahan, ngunit mas mababa sa ranggo niya nakaraang taon na pang-apat.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Sinundan naman ito ng 'Pinay actress, model, at singer na si Liza Soberano, na nasa ika-23 puwesto.

Pasok na rin sa listahan ng "hall of fame" si Liza, na nakakuha ng puwesto sa loob ng walong taon.

Dati na ringn itinanghal na ‘Most Beautiful Face’ taong 2017 si Liza.

Hindi rin nagpahuli ang 'Pinay actress, television host, commercial model, at singer na si Janine Gutierrez na ika-51 sa listahan.

Umangat ng puwesto ang aktres mula sa nakaraang taon nitong puwesto na ika-78.

Hindi lang galing sa pagkanta kundi pati ganda ang ipinakita ng Filipino-born American singer at social media personality na si Bella Poarch na nakasungkit ng ika-80 puwesto.

Tulad ni Janine, umakyat din ito ng ranggo mula sa nakaraang taong puwesto na ika-95.

Samantala, narito naman ang listahan ng mga naggagandahang kababaihang sumungkit ng 10 pinakamataas na pwesto:

  1. Jasmine Tookes
  2. Nancy Jewel Mcdonie
  3. Lisa Manoban
  4. Dasha Taran
  5. Sitala
  6. Ivana Alawi
  7. Yael Shelbia
  8. Mai Omar
  9. Nana
  10. Chou Tzuyu