Dinumog ng mga tao si Unkabogable Star Vice Ganda nang magtungo ito sa SM Tarlac at SM Pampanga nitong Martes, Disyembre 27, upang pasalamatan ang moviegoers na tumangkilik sa kaniyang pagbabalik-Metro Manila Film Festival, sa pamamagitan ng film entry na "Partners in Crime" kasama ang aktres at internet sensation na si Ivana Alawi.

Kitang-kita sa mga ibinahagi ni Meme ang pagdagsa ng mga tao sa kaniya. Kasama niya ang partner na si Ion Perez gayundin ang mga kaibigan at co-stars sa pelikula na sina MC, Lassy, at Tetay.

"Ang dami nating ka #PartnersInCrime in Tarlac!! CHUGUG!!! Thank you for the love and support! RUN na sa nearest cinema para everybody, GV!," ani Vice.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

"Chugug na chugug sa GV!! Zenkyooow so much to our Madlang People in Pampanga!!! Ipakalat pa ang happiness at good vibes, RUN na sa nearest cinema and watch #PartnersInCrime!!" sey pa niya sa isa pang FB post.

Bagama't "olats" ang pelikula sa Gabi ng Parangal, number one naman umano sa takilya ang Vice Ganda-Ivana tandem habang isinusulat ang balitang ito.

Wala pang inilalabas ang pamunuan ng MMFF sa official list ng kinita bawat pelikula.