May dress code at tanging nakapagpa-reserve lang ang mapagsisilbihan sa bagong bukas na upscale dining restaurant sa kilala at dating kinatatakutan na Laperal White House sa Baguio City.

Opisyal na ngang nagbukas ang dating bantog na “Haunted House” sa “City of Pines” kasunod ng pagtanggap na rin ng reservation ng itinayong Joseph’s, isang sosyal at nakaka-altang kainan na pangungunahan mismo ng isang French chef na higit isang dekadang nagsilbi sa isang Michelin-star restaurant.

Basahin: Magda-dine in ka ba? Bantog na haunted house sa Baguio, magbubukas bilang bagong atraksyon – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nasa apat na course menu ang pagpipilian ng nais na mag-dine sa kainin na magsisimula sa presyong P1,430 hanggang P2,830.

Trending

'Vets are also doctors!' Beterinaryo 'minaliit' daw ng isang doktor, umani ng reaksiyon

Ilang main dishes din ang maaaring pagsaluhan ng nasa tatlo hanggang apat na guests sa halagang P14,800. Kung nais na magdagdag ng starters at panghimagas sa nasabing group menu, dagdag na P2,250 ang kailangan pang bayaran.

Para naman sa mga batang edad 12-anyos pababa, mayroon ding hiwalay na menu ang mapagpipilian sa naturang resto na pumapatak mula P580 hanggang P1,580 ang halaga.

Narito ang kabuuang menu ng Joseph’s:

Joseph's

Samantala, ilang paalala din ang mababasa sa kanilang website kaugnay ng kanilang reservation protocols.

Kabilang na ang P1,500 deposit ng bawat diner at ang partikular na dress code para sa mga guest.

“Flip-flops, Crocs and tank tops in any form for both men and women; open-toed sandals for men are not allowed,” mababasa sa kanilang website habang sinabing tanging “smart casual” na dress code lang ang katanggap-tanggap sa lugar.

Samantala, ilang netizens naman ang agad na napa-react sa anila’y “nakakatakot” din na presyo ng mga pagkain sa lugar.

“Hindi ‘yung place ang scary, ‘yung price,” kuwelang saad ng isang netizen.

“White lade ang magluluto kaya mahal,” segunda ng isa pang pilyong komento.

“Sus Ginoo, nakakatakot na nga ang place pero mas nakakatakot ang price!” laugh trip na saad ng isa pa.

“Now it's the [that] prices are scary.😏😱

Nauna nang naging usap-usapan ang pagbubukas ng lugar na dating kilalang pugad umano ng mga ligaw na kaluluwa dahil na rin sa mayaman nitong kasaysayan.

Basahin: Pugad ng ligaw na kaluluwa? Kababalaghan sa magbubukas na Laperal White House sa Baguio, diskubrehin – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Pagmamay-ari na ngayon ng kilalang business tycoon na si Lucio Tan ang bagong bihis na Laperal House.