Nalula at napa-sana all ang subscribers at followers ng magkasintahang social media personalities na sina Whamos Cruz at Antonette Gail matapos nilang regaluhan ang isa't isa ng mamahaling branded items, para sa Pasko.

Kung ang celebrity doctor na si Dra.Vicki Belo ay niregaluhan umano ng apat na Hermès handbags ng mister na si Hayden Kho, limang sapatos na Nike sneakers naman ang pamasko ni Antonette Gail kay Whamos.

Pero siyempre, hindi naman nagpahuli si Whamos. Isang Dior sunglasses at Louis Vuitton bag ang regalo nito sa kaniyang live-in partner.

Disclaimer ng dalawa, alam na raw nila ang regalo ng bawat isa dahil magkasama silang bumili, subalit nais lamang nilang ibahagi sa kanilang followers kung ano ang regalong natanggap nila para sa isa't isa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi na bago sa magkasintahan ang pagbili ng mga mamahaling gamit.

Isa sa mga content ng kanilang vlogs ang pagtungo sa iba't ibang store at mall upang bumili ng branded items na ipinanreregalo nila sa isa't isa.

Ayon sa mga netizen, deserve naman ng dalawa kung anuman ang natatamasa nila ngayon dahil pinaghihirapan naman daw nila ito.

Makikita ang exchange gifts ng magjowa sa latest Facebook post ni Whamos.