Big win na para sa 'Nananahimik ang Gabi' star na si Heaven Peralejo na naging nominado siya bilang 'Best Actress' sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal nitong Martes, Disyembre 27.

"GRATEFUL is an understatement. Lord, You’ve been so great to me. To be even nominated as Best Actress in this year’s MMFF is already a big win for me especially as this is my first leading role in this kind of genre. My heart is so full," saad ni Heaven sa kaniyang Instagram post nitong Miyerkules, Disyembre 28. 

Bukod kay Heaven nominado sa "Best Actress" award sina Toni Gonzaga (My Teacher) at Ivana Alawi (Partners-in-Crime) habang si Nadine Lustre (Deleter) naman ang nagwagi.

Samantala, binati rin ni Heaven ang kaniyang leading men na sina Ian Veneracion at Mon Confiado na nagwagi bilang "Best Actor" at "Best Supporting Actor," ayon sa pagkasunod-sunod.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Also, couldn’t be more proud of my two leading men for bagging the Best Actor & Best Supporting Actor Awards. I’ve said this multiple times, but I feel so honored to be able to work with you two," anang aktres.

Pinasalamatan din niya si Direk Lauren Dyogi na naging parte ng kaniyang MMFF journey.

"To tatay @direklauren throughout this whole journey you’ve been there every step of the way. I appreciate u as a boss, more so, I love u and I look up to u as my Tatay."

Sa huling bahagi ng post, hinikayat niya ang publiko na patuloy tangkilikin ang pelikulang Pilipino.

"Isa pong karangalan ito. Maraming maraming salamat po sa mga sumuporta at patuloy na sumusuporta. Nawa’y patuloy nating tangkilikin ang pelikulang Pilipino."