Hindi man humakot ng parangal ang "Family Matters" sa "Gabi ng Parangal" ng 2022 Metro Manila Film Festival, para sa Kapamilya actress at isa sa cast members na si "Nikki Valdez", mission accomplished naman sila dahil sa panibagong pamilyang nabuo nila, gayundin sa magagandang reviews at feedback na natatanggap nila mula sa mga netizen na nakapanood na nito.

"ALL SMILES because MISSION ACCOMPLISHED!" ani Nikki sa kaniyang Instagram post kalakip ang litrato nila ng cast at iba pang bumubuo sa pelikula.

"I take pride in the family we built (while) making this film. Hearts are full to be able to impart life lessons and realisations to families especially during this Christmas season."

"THANK YOU to each and everyone of you who has seen @familymattersmovie! Forever grateful for the love and support. You all are a blessing to us," ani Nikki.

Agot Isidro, medyo dismayado sa Gabi ng Parangal; nagpasalamat sa good reviews sa 'Family Matters'

Samantala, nagpahayag naman ang isa pang cast member nitong si Agot Isidro ng bahagyang pagkadismaya sa resulta ng Gabi ng Parangal, subalit ang mas mahalaga raw sa kaniya ay ang magaganda at positibong reviews at feedback na nababasa niya online tungkol sa pelikula.