Tuloy na tuloy na ang tatlong araw na state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa China sa Enero 3, ayon sa pahayag ng Chinese Embassy nitong Miyerkules.

Paliwanag ng embahada, naghahanda na sila katulad ng nasa plano sa kabila ng tumataas na kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa China.

Nauna nang inihayag ng Department of Health (DOH) na wala silang nakikitang dahilan upang iantala ni Marcos ang biyahe nito simula Enero 3 hanggang 6.

"Ang mga bisita po ng ating presidente sa ibang bansa ay importante para sa ating ekonomiya and if the precautions are there, he is fully vaccinated, and complying to (sic) minimum public health standard, the risk (of infection) would be very low," pahayag ni DOH Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire kamakailan.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Magtutungo si Marcos sa Beijing batay na rin sa imbitasyon ni President Xi Jinping.

Tiniyak naman ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) nitong Miyerkules na makatutulong sa ekonomiya ng bansa ang pagbisita ni Marcos sa China.

Philippine News Agency