Bisperas ng Pasko ay nagpatutsada ang direktor na si Darryl Yap sa isang "wannabe", na aniya ay hindi maaabot o makakamtan ang mga bagay na mayroon siya ngayon.

Aniya sa kaniyang Facebook post noong Disyembre 24, "Magpapasko akong may 3 condo, 4 na sasakyan, isang pinapagawang bahay, may totoong box office record at walang nudes o sex scandal."

"Sorry Wannabe, hindi mo kayang magpasko nang ganyan," aniya pa.

Hindi naman tinukoy ng direktor kung sino ang pinariringgan niya.

Darryl Yap, may patutsada sa isang grupong nagpaulan ng mura sa kaniya; may blind item sa isang direktor

Screengrab mula sa FB ni Darryl Yap

Matatandaang nagparinig na rin siya sa isang direktor na may nude at sex scandal daw.