Hot topic sa showbiz-oriented vlog na "Showbiz Now Na" nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez ang nauna na nilang tsikang "nilangaw" o flop ang naging mini concert ni Jake Zyrus sa Amerika kamakailan, bagay na iniulat din ni Ogie Diaz sa kaniyang "Ogie Diaz Showbiz Update".

'Mas bet daw si Charice!' Concert ni Jake Zyrus sa Amerika, nilangaw?

Ayon kay Wendell, nakarating sa kanilang kaalaman na 120 katao ang dumalo sa kaniyang mini concert na ginanap sa San Diego, California.

"Ano ang sabi ng ating source na hindi nanununog at nangunguryente?" tanong ni Cristy kay Romel Chika.

"Naku, heto na nga, kumapit kayo," sey naman ni Romel Chika.

"Dalawa lang daw po ang nagbayad ng show na 'yon, tapos yung mga taong iilan, pina-forward na lang para magkaroon ng maraming tao kunwari!"

Ayon pa kay Cristy, pinapasok na lang sa venue ang mga taong nasa labas ng casino upang magmukhang marami ang nanood kay Jake.

Sundot pa ni Cristy, marami raw inilalabas na isyu ngayon si Jake kagaya ng pangmomolestiya. Hindi naman kumpirmado kung lalaki o babae ba ang sinasabi niyang gumawa ng kalaswaan sa kaniya.

Napag-usapan din ng tatlo ang umano'y sama ng loob ng ina nitong si Raquel Pempengco na ilang beses nang humingi ng tulong sa kaniya, dahil sa nangyari sa kanilang pamilya.

Palagay ni Cristy, kailangan nang mag-isip-isip ni Jake sa kung ano na ang dapat niyang gawin lalo't wala na raw tumatanggap sa kaniya sa ibang bansa.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Jake kaugnay ng isyung ito.