Kasabay ng pagtalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez sa naging flop daw na concert ni Jake Zyrus sa San Diego, California, USA kamakailan, naungkat din nila ang umano'y pasabog ng singer na nakaranas umano siya ng "pangmomolestiya".

"Dami niyang isyung pinalalabas ngayon mga Ka-Chika," sey ni Cristy.

"Siya raw po ay minolestiya… sino naman kaya ang momolestiya sa kaniya? Hinalay, sa madaling salita."

"Ano ba namang pasabog na 'yan, dapat sa December 31 pa 'yan," sundot naman ni Romel Chika.

Show ni Jake Zyrus sa Amerika, super 'flopsina'; dalawang tao lang daw nagbayad ng ticket?

Tanong naman ni Wendell na guest co-host, babae raw ba o lalaki ang gumawa nito sa kaniya?

Iyon daw ang hindi pa malinaw saad naman ni Cristy.

Nakakaloka raw ang kuwentong ito kung totoo man, anila.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Jake Zyrus tungkol dito.