Inaasahang papalo na sa halos kalahating bilyong piso ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 na bobolahin ngayong Martes ng gabi, Disyembre 27.

Batay sa jackpot estimates na inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nabatid na aakyat na sa tumataginting na mahigit₱495 milyon ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58.

Nabatid na wala pa ring nagwagi sa₱470 milyong papremyo ng UltraLotto 6/58 noong December 23 draw, na may six-digit winning combination na 40-51-35-31-27-50 kaya’t lalo pang lumaki ang jackpot prize nito.

Ang UltraLotto 6/58 ay binubola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Samantala, batay pa rin sa jackpot estimates ng PCSO, ang papremyo ng Superlotto 6/49 ay aabot na sa₱25 milyon ngayong Tuesday draw habang P47 milyon naman ang jackpot ng Lotto 6/42.

Patuloy namang inaanyayahan ng PCSO ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na PCSO outlets sa kanilang lugar at tumaya sa kanilang paboritong PCSO games, partikular na ng lotto.

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles na walang talo sa lotto dahil hindi man palaring maging manalo ay tiyak namang makakatulong ka sa kawanggawa.