Matapos ang ilang buwang espekulasyon, tinuldukan na ni Kapuso actress at fashion socialite Heart Evangelista ang isyu tungkol sa hiwalayan umano nila ng mister na si Senador Chiz Escudero.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Heart na uuwi siya sa Pilipinas para sa Bagong Taon. 

"Living between 2 worlds, Paris and Manila. 2 clocks in one @philipsteinph. Walking around Paris before heading home for New Year," sey ng aktres sa caption.

Sa dulong bahagi ng post, nag-see you soon si Heart sa kaniyang asawa na may white heart at cheese emoji.

Pagpipinta muli ni Heart Evangelista, senyales daw na may pinagdadaanan ang aktres?

"Ps. See you soon @escuderochiz 🤍🧀"

Mula pa noong Agosto, naging usap-usapan ang tila pagpapahiwatig umano sa social media ni Heart ukol sa umano’y hiwalayan nila ni Senador Chiz.

Samu't saring mga detalye sa social media ng aktres ang napansin ng maraming netizens.

Nauna rito ang umano’y pagtanggal ni Heart sa apelyidong “Escudero” sa kaniyang Instagram handle, ang pagbabalik loob ng aktres sa pagpipinta, at mismong pag-amin nito sa kaniyang personal na pinagdadaanan sa isang YouTube vlog.

Hindi rin binati ng fashion influencer si Chiz noong kaarawan nito na kadalasa’y may laan sa kaniyang social media post tuwing Oktubre 10.

Nauna na ring nagpahayag ng tiwala ang ina ni Heart na si Cecilia Ongpauco na mareresolba ng anak at ng asawa nito ang mga intriga ng hiwalayan, dahil nakilala niya umano mismo ang senador bilang “mature and grounded person.”

Hindi rin ito kinumpirma ng GMA Network, na home network ni Heart, matapos pabulaanan angmga ulat na maglalabas umano ito ng pahayag kaugnay sa hiwalayan ng dalawang personalidad.