'Merry Christmas in heaven Love ko'

Kandila, bulaklak, kasabay ng mga panalangin ang inialay ni Camille Ann Miguel sa pagdiriwang niya ng Pasko sa puntod ng kanyang asawang si Jovit Baldivino.

Sa Facebook account ng kaniyang misis na si Camille Ann, nagpost ito ng larawan ng kanyang pamilya na naglagi sa libingan ni Jovit nitong Pasko.

"Kahit papaano gumaan ang loob ko. Kasama pa din kita ngayong Pasko. Ang nakakalungkot lang ay diyan ka na sa bagong uwian mo," ani Camille Ann.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Para sa biyudang si Camille Ann, walang katumbas ang kanyang pangungulila sa asawa.

Nagpasalamat naman ito sa mga taga-hanga ni Jovit na walang sawang nagmahal at nanalangin para sa yumaong singer.

"Sa mga walang sawang nagmamahal sayo na mga fans, salamat po nang marami sa inyo. Hindi ko man po kayo ma-replyan isa-isa, nababasa ko po lahat [at] ako po'y nagpapasalamat sa inyo, pati po sa mga dumalaw kanina [sa] love ko, thank you po," ani Camille Ann.

Matatandaan na binawian ng buhay si Pilipinas Got Talent Season 1 winner, Jovit Baldivino nitong Disyembre 9, sa Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/12/09/singer-na-si-jovit-baldivino-pumanaw-na/