May pahayag ang aktres na si Maxene Magalona hinggil sa patuloy niyang pagpo-post ng wedding photos kahit na hiwalay siya sa kaniyang asawa.

Sa isang Instagram post kamakailan, ibinahagi ni Maxene ang isang picture niya nakasuot ng wedding gown. Kalakip nito ang isang caption tungkol sa paghihiwalay nila ng asawang si Rob Mananquil.

Ayon sa aktres, patuloy pa rin niyang ipinagdarasal ang dating asawa: "I dealt with my own breakup by developing a closer and deeper relationship with God. I kept praying for me and my ex-husband so that He could give us both the strength and energy to go through the pain of breaking up."

"God was the One who really helped me through everything. Up to this day, He is and forever will be my healer," dagdag pa niya. 

Hiwalay na sa asawa? Maxene Magalona, kinumpirmang single na siya

Sa dulong bahagi ng post, sinabi niya na kaya nagpopost pa rin siya ng mga wedding photo sa kabila ng hiwalayan dahil isa raw ito sa mga paraan niya para i-honor ang napagdaanang sakit.

"P.S. To those who find it weird that I still post my wedding photos even though my marriage didn’t work out. 1. This is one of the ways I honor my pain. 2. Ang ganda ko sa photos, sayang naman. Lol."

Matatandaang noong Oktubre, kinumpirma ni Maxene na hiwalay na sila ni Rob.

“No date? No problem!Perks of being single and childless: You have full control of your schedule. You can literally do anything you want on any day at whatever time,” sey ni Maxene.