Matapos ang kaniyang paglaya dahil sa piyansa, ibinahagi ng "It's Showtime" TV host, comedian, at dancer na si Vhong Navarro ang litrato niya ng kaniyang pamilya sa pagdiriwang ng Kapaskuhan, na inilarawan niya bilang "pinakamasaya".

Batay sa kaniyang Instagram post ngayong araw ng Pasko, Disyembre 25, nakasama ni Vhong ang kaniyang pamilya at mga kaibigan, na buo ang suporta at pagdarasal sa kaniya sa pagsubok na kaniyang kinahaharap.

"Napakarami kong pinagpapasalamat… Thank you, Jesus! Happy Birthday!" saad ni Vhong sa kaniyang caption.

"Sa lahat ng nagdasal at umalalay sa akin, maraming-maraming salamat. God bless!"

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

"Blessed Christmas sa ating lahat! Pinakamasayang Pasko kasama ang aking pamilya at mga kaibigan."

Sa comment section ay bumuhos naman ng pagbati para sa kaniya ang mga kasamahan sa noontime show gaya nina Tyang Amy Perez at Jugs Jugueta, Samantha Bernardo, at maging si Kuya Kim Atienza.

Sinasabing gugulong na ang pagdinig sa kaso sa pagpasok sa Enero.