Pinabulaanan ni Kapuso star Bea Alonzo ang mga kumakalat na tsikang hindi raw alam ng kaniyang perennial love team na si John Lloyd Cruz na magkaka-reunion movie sila sa ilalim ng Star Cinema, dahil siya raw mismo ang nagtanong sa aktor upang kumpirmahin ito.

Ayon sa panayam ng GMA showbiz reporter na si Nelson Canlas kay Bea, tinawagan kaagad ng aktres si JLC upang kumpirmahin kung sinabi ba talaga nitong "fake news" ang pagbabalik-pelikula nila sa ilalim ng Star Cinema.

"May mga lumalabas na, sinabi raw ni John Lloyd na fake news yung… yung movie namin! Siyempre tinawagan ko siya agad… dahil magkaibigan naman kami, tinawagan ko siya, and he denied that he said that, so…" ani Bea.

Sey mo, Bea? John Lloyd, hindi raw alam na may reunion movie sila sa Star Cinema

&t=60s

Matatandaang ang nag-ispluk na hindi raw alam ni John Lloyd na may reunion movie sila ni Bea ay si Ogie Diaz, na batay naman sa source nito.

"Naloka si John Lloyd Cruz sa balitang gagawa sila ng pelikula ni Bea Alonzo," sey ni Ogie sa kaniyang showbiz vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update".

Nilinaw daw ni JLC na walang ganoong offer, walang lumalapit sa kanila para sa isang proposal, kaya ayaw daw sanang paasahin ng aktor ang kanilang fans, sa isang bagay na wala pa.

"Nahihiya si John Lloyd Cruz na paasahin ang kanilang fans na meron silang comeback movie ni Bea," pahayag pa ni Ogie.

Hindi raw alam ni John Lloyd kung saan nakuha ni Bea ang ideya tungkol dito.

Kaya kung bibigyang interpretasyon daw ang sinabi ng aktor, ang balita tungkol sa reunion movie nila ay "fake news".

Samantala, sa kaniyang tweets ay sinabi ni Ogie na papatapusin lang niya ang Pasko bago siya sumagot sa isyung ito.