Paskong-pasko subalit hindi nakaligtas sa mga mata ng netizens ang pag-unfollow daw ng aktres na si Sofia Andres sa Instagram account ng partner na si Daniel Miranda.

Screengrab mula sa IG ni Sofia Andres via Fashion Pulis

Bukod dito, palaisipan sa mga netizen kung bakit wala si Sofia sa litratong ibinahagi naman ni Daniel sa kaniyang IG account. Ang makikita lamang na kasama niya rito ay ang anak nilang si Zoe, at isang malaking Christmas tree sa kanilang likuran bilang background.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Sa IG naman ng aktres na kasama sa cast ng "The Iron Heart", kapansin-pansing si Zoe lamang ang kaniyang ipinakita sa pic at ilang Christmas decors at centerpiece sa mesa.

Tanong ng marami, nagkakalabuan na ba sila?

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen:

"I hope both of you are okay."

"Nasaan si Sofia?"

"Maligayang Pasko! Wag kayo magulo masaya sila. Normal lang sa mag-jowa nagkakatampuhan, babalik at babalik sila sa isa't isa dahil may baby sila."

"Walang family pic?"

Sa kaniyang IG stories, puro photos lang din ni Zoe o silang dalawa ang makikita.

Sophia Andres at Zoe (Screengrab mula sa IG story ni Sophia Andres)

Bukas ang panig ng Balita Online sa kanilang dalawa.