Charmaine “dili na sig sana ol” Ocmen

Hindi na magiging malamig ang pasko ng isang netizen matapos siyang ayain para sa isang movie date sa pamamagitan ng isang email.

Kilig ang hatid sa netizens ng Facebook post ni Charmaine Ocmen matapos ibahagi nito ang pagtatapos ng kanyang "sana all" era dahil pinagalaw na ng kanyang crush na si Mark Cabatingan ang baso nang ayain siya nito manuod ng pelikulang Avatar sa sinehan.

"Hello Chang,

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

"I am inviting you to a movie date later at 2:30 pm at SM Butuan City, let's watch AVATAR together. It's my pleasure to have yoy on that movie date. Hope to you there.

"Hoping for your positive response. Thank you and have a nice day!

"Sincerly,

Mar Cabatingan," laman ng liham paanyaya ni Mark kay Charmaine, na kanyang ipinadala sa email.

Pumayag naman si Charmaine at sabay nilang pinanuod ang Avatar: The Way of Water.

Larawan: Charmaine Ocmen

Magkahalong inggit at kilig naman ang naramdaman ng mga netizens sa comment section ng post.

Umani rin ng higit 46K shares ang post ni Charmaine.