Ibinahagi ng aktor na si Andrew Schimmer ang kaniyang payo para sa lahat, gayundin ang kaniyang mga napagtanto matapos pumanaw ang misis na si Jho Rovero.

"Few days ago, my HEART left my body when the love of my life left Her body," aniya sa kaniyang latest Facebook post nitong araw ng Pasko, Disyembre 25.

Andrew Schimmer, mga anak, nag-picture sa kabaong ng yumaong misis; bumati pa rin ng 'Merry Christmas'

Kalakip nito ang litrato nila ng mga anak sa harap mismo ng ataul ng kaniyang yumaong kabiyak.

"ADVISE: don’t waste a single day without you telling your love ones how much you love them, for we do not know what can happen to us when our time comes. Don’t waste your time on arguments or silly small talks, if your in love with someone, make sure that person knows how much you love them, make them feel every single bit of your heart."

"Don’t hesitate to hug somebody, for we do not know when we can hug that person again.

“'REGRET' is the most painful thing that you can experience in this life. So please don’t let EGO dictate the will of your HEART. Love without hesitation and without reason…be silly, be ỉn loved, be inspired of this love…do everything and anything that will make you and your love ones happy."

"I would give up anything in this world, anything…MAKITA, MAYAKAP AT MAKAUSAP KO LANG PO ANG AKiNG ASAWA ONE LAST TIME, kung ang mahal mo sa buhay ay katabi mo pa ngayon kapatid, yakapin mo sila nang mahigpit, hindi mo kailangan ng dahilan para gawin ito, sapat ng dahilan ang mahal mo siya."

"Iparamdam mo tol sa kaniya na siya ang buhay at mundo mo, na siya ang Reyna ng kaharian ng puso mo, na para sayo siya ang pinakamagaling, pinakamaganda at pinaka-importante sa lahat. Gawin mo na ang lahat para sa kaniya HANGGAT KAYA AT PWEDE NYA ITONG MARAMDAMAN."

"Give everything and anything for love, and you will never regret it."

Kahit na para sa kaniya, ito ang pinakamasakit at pinakamalungkot na Pasko, nagawa pa rin niyang bumati ng "Merry Christmas" para sa lahat.