Kinagiliwan at kinabiliban ng mga netizen ang ibinahaging video ni "Michael Soria" sa isang grupong nangaroling sa tapat ng kanilang bahay.

Sino nga naman ba ang hindi hahanga sa pagkanta ng nakilalang si "Eric Mateo Santelices" na pang-performance level na raw sa grand finals ng "Got Talent"?

Ayon sa Facebook post ni Michael, parang nakakahiya namang magbigay ng 5 piso sa grupong ito, kung ganito ang klase ng carolling sa tapat ng bahay!

"Pahirap nang pahirap ang pangangaroling sa Pinas… pati carolling nagiging grand finals ng Got Talent. Nakakahiya magbigay 5 pesos dito. Galing mo talaga, @eric mateo santelices," sey ni Michael.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Bumuhos naman ang papuri ng mga netizen para sa singer.

"Hahahahaha… imbes na pambili mo ng ulam kinabukasan i-abot mo na lang pag ganito mangangaroling sa inyo."

"Anong ganap nung 3 sa gilid? Di puwedeng tatayo lang dapat may talent din ahahaha."

"Deserve niya ng golden buzzer hindi bente pesos."

"Pag ganyan ang mangangaroling mamimili kayo ng bahay na tatapatan ah. At nakakahiya iyan bigyan ng bente.. hindi lahat ng bahay makakaagad ka ng 50 pesos pag hirap aguyyy hehe."

Nagpasalamat naman si Eric sa lahat ng mga nagpaabot ng pagbati sa kaniyang mahusay na pag-awit. Pero request ng iba, sa susunod daw ay mas masiglang awitin ang piliin niya dahil nakakadala ng emosyon ang kaniyang tinig.