Panauhing pandangal sina dating Bise Presidente at ngayo'y Angat-Buhay Chair Leni Robredo at ka-tandem nitong si dating Senador Kiko Pangilinan sa isang noche buena ng isang pamilyang "Kakampink."

Sa tweet ng isang netizen na may username na @claudiopoy, ibinida nito ang standee nina Leni at Kiko na kasama nila sa salusalo nila.

"Tuwang tuwa naman yung nanay ko sa special guest namin sa media noche," anang netizen.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

https://twitter.com/claudiopoy/status/1606664267297886208?s=20&t=MDLxn97y7bqM5rCiC2D_Hg

"*noche buena pala sorry as a non Spanish sardines."

Nag-reply naman si Leni at binati ang pamilya nito.

"Merry Christmas po," ani Leni.

"Salamat po sa pagpapaunlak kahit last minute invite po! Merry Christmas from our family to yours, Ma’am Leni!" reply naman ng netizen.

Maging si Kiko ay hindi rin nagpahuli sa pagbati sa Kakampink na pamilya.

Aniya, "Maraming salamat naman sa inyong paanyaya! Merry Christmas sa inyong lahat!!!!"

Umani rin ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang tweet na ito.