Naibahagi ni Megastar Sharon Cuneta sa vlog ng kilalang celebrity doctor na si Dra. Aivee Teo na pansamantala munang itinigil ang construction ng kaniyang ipinatatayong bahay na halos kasinlaki ng isang mall.

Giit ni Shawie, pansamantala lang naman daw at hindi talagang permanenteng ihihinto na.

“It’s on pause,” tugon ng Megastar.

“I’m deciding whether — lots of things changed.”

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Pause lang, not naman stop. But it’s just a matter (of) ‘Do I want to continue pa?’ There are other places you can put your money in.”

Sa ngayon daw ay naiisip ni Mega kung saan nararapat na investment ilagak ang kaniyang pera.

“I’m thinking that I should just enjoy na lang my money."

"Because I’m thinking (of) these kids, you’re sending them to school so they can work for themselves. Why am I worrying about them?”

Noong 2020, ibinida ng Megastar ang tungkol sa ipinapatayong bahay na kasinlaki ng isang mall.