Sa isang pambihirang pagkakataon ay naispatang magkakasama sa isang lunch meeting ang dalawa sa mga ehekutibo ng ABS-CBN at GMA Network.

Ito ay sina ABS-CBN Chief Operating Officer of Star Creatives Malou Santos, ABS-CBN Chief Content Officer Charo Santos-Concio, GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes at GMA Network First Vice President for Program Management Joey Abacan.

Makikita ang litrato ng apat sa IG story ni Annette na may text caption na "Great lunch meeting".

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Charo Santos, Malou Santos, Annette Gozon Valdes, at Joey Abacan

Umani naman ito ng iba't ibang espekulasyon mula sa mga netizen. May mga nagsabing baka para ito sa pinag-usapang collab project ng dalawa, ang "Unbreak My Heart" na pagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, at makakasama rin daw sina Joshua Garcia at Gabbi Garcia.

Bukod dito, may mga nagsabi pang baka may iba pang collaboration na binubuo sa pagitan ng dalawang network.

May mga nagsabi pang baka lilipat na raw ang dalawang ehekutibo sa GMA.

Subalit sa kabuuan ay naging positibo naman ang pagtanggap ng mga netizen sa tagpong ito. Hangad nilang sana raw ay mawala na ang "network wars".

Hindi ito ang unang sanib-puwersa ng ABS at GMA dahil matatandaang napapanood na sa Kapuso Network ang mga pelikulang likha ng Star Cinema, ang movie company ng Kapamilya Network.