Bumati ng "Merry Christmas" para sa "Angels" o kaniyang mga tagasuporta ang tinaguriang "real-life Darna" na si Kapamilya actress Angel Locsin, na makikita ngayong araw ng Pasko, Disyembre 25, sa kaniyang verified Facebook account.

"From our family to yours, Merry Christmas, Angels!" caption ni Angel.

Kalakip ng FB post ang litrato nila ng mister na si Neil Arce, katabi ang isang malaking Christmas tree at mga regalo sa ibaba.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Matatandaang naging isyu ang pananahimik ni Angel sa social media, kung saan, espekulasyon ng mga netizen ay nagkakalabuan na sila ni Neil.

Nagsalita naman ang matalik na kaibigan ni Angel na si Dimples Romana at sinabing hindi totoong hiwalay na ang dalawa.