Tila kakaiba ang pagbati ni Senador Imee Marcos ngayong Kapaskuhan. Nag-ala "Wednesday Addams" kasi ito, isang karakter na hango sa series na "Wednesday" na mapapanood isang online video streaming app. 

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng Senadora ang Christmas video greeting niya. 

"All i want for Christmas is... NUTRIBUN! Hindi lang pang WEDNESDAY kundi ALL WEEK!" saad ni Marcos sa caption. 

"Higit sa pagkakaisa ay ang pagiging isa. Isang bayan na ang tanging hinihiling ngayong Pasko, IMEESOLUSYON sa bawat suliranin," bahagi ng video ng senadora.

Sen. Risa Hontiveros may mensahe ngayong Kapaskuhan

"Isang bansa, isang diwa ng Pasko! Maligayang Pasko at Mapagpalang Bagong Taon sa ating lahat!" pagbati pa nito.