Magbabalik muli ang aktres na si Ruffa Gutierrez bilang si "Imelda Romualdez-Marcos" para sa sequel ng "Maid in Malacañang" na "Martyr or Murderer."
"After the massive worldwide success of “Maid In Malacañang”, I’m back as Madame Imelda Romualdez-Marcos in the sequel, “Martyr or Murderer," sey ni Ruffa sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Disyembre 23.
Inilagay rin niya sa caption ang isang quote mula mismo kay Imelda.
"'They went into my closets looking for skeletons, but thank God, all they found were beautiful shoes.'"
Ganyuman, may mensahe si Ruffa sa mga kritiko.
"To the critics, trabaho lang…walang personalan."
Samantala, inilabas na ng VinCentiments ang official teaser ng pelikulang “Martyr or Murderer” ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap.
Mapapanood sa teaser ang pagganap nina Jerome Ponce at dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso bilang si dating Senador Ninoy Aquino.