Tila bentang-benta sa mga netizen ang Facebook post ng comedienne-TV host-impersonator na si Jervi Li a.k.a. KaladKaren Davila hinggil sa paalala niya sa lahat, bago siya magtungo sa United Kingdom upang ipagdiwang ang Kapaskuhan kasama ang fiance na si Luke.

"Magtrabaho ka pero 'wag mo pa rin kalimutan magpadilig!" sey ni KaladKaren sa kaniyang Facebook post habang nasa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

"Finally, makakapagbakasyon din! Huhuhuhu. See you soon, my love! Monkey is excited to see you and Monkey #2!

See you next year, Pilipinas!" dagdag pa ni KaladKaren.

Sey ni KaladKaren: 'Magtrabaho ka pero ‘wag mo rin kalimutan magpadilig!'

Bumaha naman ng komento ang ulat ng Balita Online tungkol dito, lalo na sa mga tila naka-relate na working people na wala nang iniisip o pinagkakaabalahan kundi magtrabaho.

"Noted po!"

"Hahaha looking for didilig!"

"Puro trabaho lang ako eh hahaha puwede ba maambunan?"

"Sana all po may dilig takot na kaming pareho magdiligan baka masundan agad."

"Deserve nating working peepz ang dilig!"

"Trabaho lang. Maiksi yung hose ko papuntang kuwarto kaya walang dilig. Trabaho lang."

"HINDI SA LAHAT NG ORAS, PAGDILIG ANG SOLUSYON SA NATUTUYONG LUPA O HALAMAN… MAGPABUNGKAL KA DIN HAHAHAHA."

"Pag nauuhaw uminom, pag natutuyuan, antayin na lang ang ulan para madiligan."

"Hanap po ng madidiligan hahaha."