Ibinahagi ng komedyante, TV host, at social media personality na si "KaladKaren Davila" na isang kapwa pasahero ang nagmaldita raw sa kaniya sa isang eroplano, subalit mabuti na lamang at magaling mag-handle ng mga ganitong senaryo ang crew ng airline sa Dubai, United Arab Emirates.
"Bago madiligan" sa piling ng boyfriend na si Luke ay tila kumulo muna ang dugo ni KaladKaren sa isang pasaherong hindi tinukoy ang nasyonalidad, ayon sa kaniyang latest Facebook post.
"Not an Ad- but I just want to say that I had a great journey with @emirates airline! I was even transferred to Business Class!!! Kasi may nagmaldita sa aking pasahero. Full story on my vlog!" kuwento ni KaladKaren.
"First time flying to England with them and I am so impressed with their customer service. Ms Erlyn, Filipina and Ms Chaz, Thai- Australian, assisted me throughout my journey, I’m so happy I needed to take a photo with them. Super bongga!" papuri pa ni KaladKaren.
Batay naman sa kaniyang My Story ay mukhang nasa London na si KaladKaren kapiling ang kaniyang British boyfriend na si Luke.
Mukhang tuloy na tuloy na ang… diligan!