Ibinahagi ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ang pag-guest ni Master Henyo at Eat Bulaga host Joey De Leon sa kaniyang talk show na "Toni" na mapapanood sa ALLTV.

"Always an honor na makasama kayo. Love you JDL! @angpoetnyo Our sit down interview is up. Ang sarap makinig sa kwento ni Master Henyo," sey ni Toni sa kaniyang caption.

View this post on Instagram

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, ibinida naman ni Joey ang pag-guest ni Toni sa "Bawal Judgmental" ng EB.

Muling nagkasama sa isang reunion movie na "My Teacher" sina Toni at Joey matapos ang halos dalawang dekada. Matatandaang nagmula si Toni sa naturang noontime show bago lumipat sa ABS-CBN.

Ang "My Teacher" ay idinirehe naman ng mister ni Toni na si Direk Paul Soriano.