Ilang putahe ang kayang lutuin sa isanlibong pisong budget mamayang Noche Buena?

Para sa vlogger na si Ninong Ry, kakasya ang ₱1K budget para sa anim na putaheng maaaring pagsalu-saluhan ng isang pamilya, na nakaugalian na tuwing sasapit ang bisperas ng Pasko.

"1000 pesos na Noche Buena! 6 putahe para sa buong pamilya! Abangan mamaya! Upload ko nang maaga para makapamili kayo! I love you mga inaanak!" sey ni Ry sa kaniyang Facebook post.

Matatandaang sinabi ng Department of Trade and Industry o DTI na puwedeng pagkasyahin ang ₱500 para sa Noche Buena.

National

DOH, nagbabala vs. imported Mpox vaccines

Narito ang reaksiyon at komento ng mga netizen.

"Better than DTI's P500 Noche Buena budget. And for sure mas masarap!"

"Nong imposible 1k mahal ng bilihin ngayon chicken isang buo 300 na agad plus mga rekado pa pero abangan ko 'yan nong idol kita eh ahahahahaha…"

"Mas realistic kaysa doon sa 500 pesos nung taga-DTI. Salamat Ninong Ry!"

"Thanks Ninong Ry mukhang magandang recipe 'yan at pasok sa budget for noche buena sana ma upload n'yo agad nang maaga para mapag-aralan yung mga recipe."