Nakatanggap ng regalo si Manay Lolit Solis mula sa IGAN Foundation ni Arnold Clavio, kamakailan.

"Pag gising ko sa afternoon nap ko, nakita ko agad ang padala mo Salve na mula sa IGAN Foundation. Talagang tinutuo ni Arnold Clavio iyon biro niya sa akin na dahil wala akong pinamigay na gift this year, siya naman ang magbibigay sa akin," saad ni Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Huwebes, Disyembre 22.

Hanga raw si Manay kay Arnold dahil sa pagtulong nito sa pamamagitan ng IGAN Foundation.

"Tulad ko ay isang diabetic person si Arnold. At hanga ako sa kanya dahil iyon pagtulong niya ngayon sa mga tao sa pamamagitan ng Igan Foundation mahirap pantayan," aniya.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

"Kaya nga sabi ko sa kanya kahit ano pang takbuhan niyang posisyon iboboto ko siya. Sincere ang pagiging charitable at mabait ni Arnold. Talagang nuon pa na wala pa siyang foundation marami na siyang natutulungan," dagdag pa niya.

Wish din ni Manay na huwag daw magkakasakit ang batikang mamamahayag dahil marami raw umaasa rito.

"Sana nga huwag magkakasakit si Arnold Clavio dahil maraming umaasa sa kanya. Thank you Arnold, hah hah, naharbatan din kita. So grateful, live long dahil marami ka pang matutulungan. IGAN Foundation, the Best."