Kinaaliwan ng mga netizen ang hirit ng komedyanteng si Jervi Li o mas sumikat bilang "KaladKaren Davila" na paalala na rin sa mga kumakayod at nagbabanat ng buto para sa kanilang sarili, pamilya, at iba pang mahal sa buhay.

Mukhang lilipad patungong London, United Kingdom si KaladKaren upang makasama ang kaniyang fiance na afam na "Luke" na tinatawag niyang "Mr. Monkey".

Mukhang sa UK na magpa-Pasko at Bagong Taon si KaladKaren kasama si Mr. Monkey at ang mga kaanak nito.

"Magtrabaho ka pero ‘wag mo rin kalimutan magpadilig!" biro ni KaladKaren.

Bedroom sa araw, hardin sa gabi? KaladKaren, may ibinuking tungkol sa kuwarto niya

"Finally, makakapagbakasyon din! Huhuhuhu. See you soon, my love! Monkey is excited to see you and Monkey #2!"

"See you next year, Pilipinas!" sey pa niya.

Matatandaang viral ang hirit ni KaladKaren sa ">vlog ng kaniyang iniimpersonate na si ABS-CBN news anchor Karen Davila, nang magsagawa ito ng condo tour sa kanilang home sweet home.

Biro niya, tuwing gabi raw ay nagiging hardin ang kanilang kama ni Luke dahil doon daw siya "dinidiligan" ng boyfriend.