Sa kauna-unahang pagkakataon, nakapanayam ni award-winning news anchor/journalist Jessica Soho ang nagbabalik-Kapusong si King of Talk Boy Abunda, na nai-shoot noon pang Disyembre 9.

Dito ay natanong si Boy kung ano ang nagtulak sa kaniya upang lisanin ang ABS-CBN na halos dalawang dekada na niyang tahanan.

Inamin ni Boy na nakaapekto sa kaniyang desisyon ang pagkawala ng prangkisa ng network, at nawalan siya ng show dito. Namimiss na raw niya talaga ang pagharap sa camera para sa telebisyon, bagama't inaral niya ang pagyu-YouTube.

Ang huling programang ginawa ni Boy sa ABS-CBN ay "Tonight with Boy Abunda" o TWBA at "The Bottomline".

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Umere pa sa Kapamilya Network ang kaniyang mga naging panayam sa presidential candidates gayundin sa kani-kanilang mga asawa at anak.

At heto raw ang dati at bago niyang tahanan na handa umano siyang tanggapin ulit, ito nga ang GMA Network.

Hindi raw naging madali ang proseso dahil dumaan siya sa maraming mga pag-uusap, kuwentuhan, at iba pang mga dapat ikonsidera. Hangga't maaari daw ay ayaw niyang masunog ang mga tulay, dahil mahalaga sa TV host ang mga relasyon o ugnayang nabuo.

Natanong si Tito Boy kung hindi raw ba siya pinigilan ng Kapamilya Network.

"Pinigilan…" pag-amin ng King of Talk. Subalit hindi raw naging madali ang proseso.

Hindi raw naging mahirap kay Boy ang pagbabalik sa dating home network dahil hindi naman daw siya nawala.

Ipinangako ng TV host na gagawin niya ang lahat upang maging sulit ang tiwalang ipinagkaloob sa kaniya ng Kapuso Network.

Mapapanood ang kabuuan ng panayam sa "Kapuso Mo Jessica Soho".