Ipinagmalaki ng "Magandang Buhay" momshie host na si Melai Cantiveros kung sino-sino nga ba ang bigating ninong at ninang sa binyag ng mga anak na sina Mela at Stella Francisco.

Matatandaang naging viral sa social media ang usapan ng mag-iina dahil sa "chicken nuggets".

Nagbigay ng trivia si Melai na ang ninong at ninang daw ng panganay na si Mela ay walang iba kundi ang "KathNiel" o sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Habang si Stela naman, ang "LizQuen" o sina Liza Soberano at Enrique Gil.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"My Princesses with The King and Queen of Hearts konting trivia si Mela, ninong at ninang niya is KathNiel, tapos si Stela ninong at ninang niya is LizQuen."

"Oh di ba sayaaaaa…" sey pa ni Melai.

Pahayag naman ng mga netizen, iyan daw ang tamang "mindset". Magaling daw pumili si Melai.

"Very good mamili ng ninong at ninang HAHAHAHAHAHAHA cute."

"KathNiel fan ang Melason tapos nakatrabaho naman ni Jason ang LizQuen noong kapapanganak pa lang kay Stela."

"Sana all na lang talaga ninong at ninang ang KathNiel at LizQuen!"