Napa-react ang motivational speaker, fitness coach, at social media personality na si Rendon Labador sa naging rebelasyon ni showbiz columnist Cristy Fermin, na may personal siyang karanasan sa pagiging late ng actress, TV host, at vlogger na si Alex Gonzaga.

Ayon kay Cristy, nagkasama sila noon ni Alex sa isang showbiz-oriented show kung saan nahuhuli raw talaga ng dating si Alex dahil may kasabay itong ibang proyekto.

Katwiran naman ni Cristy, kung alam namang hindi magagampanan ang mga magkakasabay na trabaho, kailangang bitiwan ang isa upang hindi na makaapekto sa oras ng iba.

'Parang ganun sa sinabi ni Dina!' Cristy Fermin, naranasan daw pagiging 'late' sa set ni Alex Gonzaga

Nagbigay naman ng reaksiyon dito si Labador, sa ulat ng Balita Online.

"Pag late ibig sabihin walang respeto yan. Ayaw na ayaw ko sa late na tao, BEING LATE IS A REPRESENTATION THAT YOU DON’T RESPECT OTHER PEOPLE!" ani Labador.

"Pasensya na pero mababa ang tingin ko sa mga taong ganyan," giit pa nito.

Screengrab mula sa Balita Online

Samantala, wala pang tugo, reaksiyon, o pahayag si Alex tungkol sa ispluk ni Cristy sa "Showbiz Now Na" patungkol sa kaniya.