Kilig na kilig ngayon ang 'Maria Clara at Ibarra' fans dahil sa pag-amin ni 'Fidel' kay 'Binibining Klay,' karakter na ginagampanan nina David Licauco at Barbie Forteza, ayon sa pagkasunod-sunod. 

Sa episode 57 ng MCI, umamin na si Fidel na "tinatangi" niya si Binibining Klay. 

"Binibining Klay, tinatangi kita. Iniibig kita, Binibining Klay," saad ng karakter ni David na nagpa-speechless kay Klay.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

https://twitter.com/GMADrama/status/1605180945123971072

Dahil dito, kilig na kilig ang mga netizen kaya naman trending topic sa Twitter ang #MCIIniibigKita na may 28.8k tweets, as of writing.

"hoy yung tili ko umabot na sa kanto namin hahaha"

"Klay mo namang saktan yung manok namen"

"Ibang iba yung pagbitiw ng salita kapag sarili mong wika. totoo at nakakakilig"

"confession with a little gigil HAHAHHA great way to confess"

"bigyan mo si Klay. konting panahon. gulong gulo pa yung isip niya.. para sa sagutin niya si fidel. pag nangyari iyon. lahat kami natutuwa. sobrang saya ko..kilig ako"

"PANAGUTAN NYO KAMI HANGGANG DULO KUNDI MAGWAWALA AKO PRAMISKW KAJSKDKDD MAMAMATAY NA AQ SA KILIG FILAY LoveStory"

"kung ganito ba naman kagwapo aamin sakin matutulala rin ako e"

"Yung boses ni @davidlicauco jusko ano naaaaa. Kung ako si klay nahimatay nako. Hahaha"

"GRABE GANTONG CONFESSION PO ANG GUSTO KO HUHU TINATANGI KITA"

"PANINDIGAN NYO KAMI, FILAY! PLEASE LAAAANG!"

"Luh d ka makapaniwala?? Oo klayyyy may jowa ka na umamin na c fidel sayo ayieeee"

"i just can't get over from this, anong shampoo mo klay? haba kasi ng hair mo"